I woke up this morning with an overwhelming feeling of gratitude.
Tucked underneath my pillow are notes written by my children Katrina and Dominique, each one decorated with designs that uniquely defines their individual characters.
Sabi ni Katrina, ito ang ibig sabihin ng salitang MOTHER para sa kanya, M-ajestic, O-btained a lot of success, T-rusted, H-onored, E-nchanting and the R-eigning QUEEN of the day.
Sabi naman ni Dominique, ito ang ibig sabihin ng salitang MOTHER: M-apagmahal lagi-lagi, O-rasan namin araw-araw, T-eacher ko, H-ero, E-verything, R-ose of my life.
Sa pagbati pa lamang na ito na natanggap ko sa aking dalawang supling ay sapat-sapat na. Pero wag daw akong makuntento dun, meron pa daw, may sorpresa pa sila, isang buong araw daw nila akong gugulatin.
Let me share you a story of the day I became MOM X2.
January 15, 1997 was the first time and October 12, 2000 was the second time and probably the last time, dahil kung hindi, aawayin ako ng aking bunso na nililinaw araw-araw sa akin na gusto niyang siya ang bunso, wala nang kasunod, period.
Noong una kong pagbubuntis, lahat ng kaaretehan sa katawan, ginawa ko na. Hindi ako gumagalaw, tamad-tamaran ako, pili nang pili sa kinakain, madamdamin to the max na yung normal level na 10–max—triple pa noon, isang salita lang na tila walang kakuwenta-kuwenta, masasaling na ako.
At ang pinakamasama kong nagawa, kain ako nang kain, No let me make a quick correction, hindi ako basta kumain, nanginain ako, lumamon!
Every month naman akong nagpapatingin noon sa doktor, lagi naman akong napapaalalahanan sa aking timbang noon, pero dahil sa ang totoo, para akong nagiisa noon sa aking paglilihi, wala ring gumabay sa akin bilang isang first time mom. Pero bakit ko ba sisisihin pa yung walang gumabay sa akin eh ang ibig sabihin lang naman noon ay nawalan ako ng disiplina sa pagkain.
And so I became overweight and at past 6 months on to the 7th month of my baby, I experienced pre-eclamsia, a medical condition experienced by pregnant women that threatens both the lives of the infant inside the womb and that of the mother herself.
With very distinguished sound of heartbeat, a disturbing palpitation and perspiration, I gathered myself up, packed a few clothes in a small bag and brought myself to the hospital.
May eksena pa bago ako nakarating sa ospital. Wag na yun. Di na kailangan.
The attention given to me my the staff at the Emergency Room of the hospital confirmed my fears, my life and that of my baby was in danger, real danger.
Luminga-linga ako, wala akong kasama—mamamatay ba kami ng sanggol ko nang ganun na lang?
I did what was the only thing I could muster to do at that time. I prayed. I prayed with all my heart. "GOD SAVE US. SAVE ME AND MY BABY."
I was under observation for a day—-pinabababa nila ang blood pressure ko bago ako isailalim sa Ceasarian Section (CS). Luminga ako, may tao na sa tabi ko, pero tulog, tulog na tulog.
Mula sa monitoring room ay isang tinig mula sa labas ng bintana ang narinig ko, boses ni Sylvia Calderon! Gusto kong tumalon, tumulo agad ang luha sa aking mga mata, "May kasama na ako, may kasama na ako…" Hindi alam ni Sylvia na nasa ospital ako, nagkataon, dumating lang siya sa Manila mula sa Cotabato na kung saan siya naka-base.
Ang naalala ko, nang dalhin ako sa Operating/Delivery Room, parang nabibingi ako, hindi ko na makita ang mukha ng mga doktor at nurse na umasikaso sa akin. Ngunit may isa akong natatandaan, sabi sa akin ng isang nurse doon na hindi ko na nalaman ang pangalan, "Lumaban ka Arlyn, masarap maging ina, lumaban kayo ng baby mo…"
In the evening of January 15, 1997—almost 10 in the evening, a very fragile baby girl weighing 2.1 lbs was born. I named her Katrina Greta after Holywood screen legends, Kathrine Hepburn and Greta Garbo.
Baby number 2 came in the year 2000. Kasagsagan ng pagakyat ko sa kabundukan, kasagsagan nang pang-iiskup ko at sa panahon na nakuha ko ang isa sa pinakamalaking iskup ng aking karera bilang mamamahayag, ang Sipadan Hostage Crisis.
Sa baby # 2, hindi na ako inarte. Lahat na kinakain ko. Hindi lang ako basta kilos nang kilos, pati bundok ng Puno Mahadji sa Basilan at 3-months into my pregnancy, inakyat ko pa nga!
Naalala ko pa ang dayalog sa pagitan namin noon ng notorious na si Ghalib Andang alias Kumander Robot nang makuha ko ang scoop sa Sipadan hostages na dinukot ng Abu Sayyaf mula sa Malaysia at dinala sa Patikul, Sulu.
Tanong ko noon, "Malayo pa yung lalakarin bago ko makita ang mga hostages?"
Sagot naman ni Robot, "Malapit lang indah, halos malapit lang sa kalsada. Bakit, nagmamadala ka ba?"
Tugon ko sa tanong na iyon, "Buntis kasi ako, baka masyado akong matagtag, hinay-hinay lang lakad kung malayo."
Napatawa si Robot, "Hay naku Indah, buntis ka pala, suwerte yang batang yan, magiging maliksi din at matapang tulad ng ina."
Ang indah ay salitang Tausug na parang paggalang sa isang nakatatandang babae, katumbas ng salitang "ate,"–ganun si Robot sa akin, magalang, o siguro naunahan ko lang nang sindak kaya di ako tinalo at nilapastangan. Di ba nga sabi sa buhay, unahan lang nang sindakan?
Hanggang sa bisperas ng araw ng aking panganganak, nagtatrabaho ako. Walang leave-leave, ano yun?
Galing kami sa Subic ng isa kong kaibigang reporter na di ko na banggitin ang pangalan, babaeng reporter ha!
She was driving at lagi akong humihiling na mag-stop kami sa mga gasoline station so I could relieve myself. Ihi ako ng ihi! Yun pala, pumutok na ang water bag ko!
That night—I was rushed to the hospital. Tama, sa pagkakataong ito, may kasama na ako! Ang lalaking nagmahal di lang sa akin, kundi sa aking unang supling, na ngayon ay karay-karay niya at silang dalawa, nagkukumahog na dalhin ako sa ospital.
Maliban sa alam kong pumutok na ang aking panubigan, wala akong ibang nararamdaman na matinding sakit. May sakit noon ang aking tiyan, pero natural sigurong mataas ang tolerance ko sa pain kaya para sa akin ay hindi big deal ang anumang sakit na nagmumula sa aking tiyan.
What was big deal to me then was the reaction I saw from Edwin and Katrina who at that time was barely three years old! Sobrang saya nila, sobrang aligaga at sobrang nagbo-bonding na nakakatuwang ang isang higante na 5′11 ang height, ay isang paslit ang kasamang nag-aasikaso sa pangangailangan ko sa pagamutan.
Pakiramdam ko noon—I can deliver the baby ng normal. Pero nang makita nang doktor na hindi ko naman OB-GYN ang dati nang malaking hiwa sa aking tiyan, na kung minsan, ang tawag ko, tinaga, ay ang hatol, "CS" uli!
O siya, siya, tagain na uli, makita ko lang ang pangalawang baby ko.
Sandaling-sandali lang, may anesthesia na itinurok sa akin, pero yung tipo na may malay ako kaya dinig na dinig ko ang lahat—pati pag-iyak o pag-uha ng bata!
Kung gaano kaliit ang unang baby ko, siya namang laki ng baby ko ngayon, at 6.8 lbs!
The following morning, nagising ako sa isa ng kuwarto, a private room na sa isang sulok na lamesa, may bulaklak at may basket na ng prutas.
Ilang saglit lamang, dumating na si Edwin, si Katrina at ang buong barangay!
I named my second child, Dominique, a bubby baby girl na unang labas pa lamang sa daigdig, isang barangay na ang sumalubong.
Magkaibang-magkaiba ang pagsapit sa buhay ko ng dalawang batang ito, ngunit sa magkaibang pagkakataon na ito, kapwa nila ako binigyan ng isang kakaibang kakayanan na hindi ko alam na puwede ko palang taglayin bilang isang babae, bilang isang ina.
The days that I became MOM were the most important events in my life.
Mula nang ako ay maging isang ina, walang bagyong di ko kayang suungin, walang pagsubok na di kayang lampasan, at walang pagkabigong di kayang pagwagian.
Sa lahat ng mga kapwa ko ina, atin ang araw na ito dahil sa pagmamahal na dulot sa atin ng ating mga anak. Happy Mother’s Day! (end)